Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Home based jobs to grow in PH
by
Theb
on 10/05/2020, 20:15:12 UTC
~snip
I agree as well but the competition on LinkedIn was totally huge especially if you're not on a premium account subscription. So far marami ang mga jobs rito but mostly sa mga napag-aaplyan ko they still required to have you walk in on their company or on-site especially if local lang yung inapplyan mo.

Upwork, Freelancer, Toptal and most known freelance site ay hindi mga beginner friendly or yung mga walang masyadong karanasan o experience and what I am annoyed by their site was their reviewing of application to sign up on them kasi mostly they chose those who has experienced or has lot of experience. I don't know if others experience it as well you can share it here if you have the same story.

I'm not really sure kung talagang beginner friendly, pero nung nagsimula ako sa odesk years ago, wala talaga akong alam, basta nag apply lang ako sa mga easy jobs lang copy and paste this and that. Natatandaan ko pa yung unang job ko dyan, may pupuntahan ka na website na mga movies etc at may kokopyahin ako at ibigay s employer. Hanggang nag evolved rin ako, natuto ng konting skills lalo na SEO na during that time patok na patok, then mga research, tapos maintain ng website, etc. So masasabi ko na naging friendly sa kin kahit bago pa lang ako. Siguro one advantage eh hindi pa masyado crowded that time ang Odesk at maraming jobs na available. May kaakibat lang siguro rin ng tyaga at swerte lalo na kung makakuha ka ng long term at maganda gandang sweldo that time.

Kailangan din kasi natin i-consider na yung Odesk is part of a smaller and old platform ng isang kumpanya. Last 7 years ago nagka-merger yung Elance at Odesk which we now know as UpWork, considering that their databases are all combined now and lumalaki na yung freelance market alam mo na na malakas na yung competition para sa mga spots. Kaya siguro sinabi na din ni rhomelmabini na mahirap makakuha ng mga trabaho yung mga konti o walang experience para sa trabaho, idagdag mo pa yung katotohanan na baka hindi pa tayo yung preferred choice ng mga employers pagdating sa mga available spots nila. Siguro before nuong nakapasok ka sa Odesk medyo konti pa kumpara ngayon yung mga freelancers na naghahanap ng trabaho kaya madami kang napapasukan na trabaho pero sa tingin ko right now hindi mo na siguro masasabi yan lalong-lalo na madami tayong nasa bahay lang ngayon due to the pandemic kaya lahat ngayon ng tao hahanap ng diskarte para kumita.