Tanong ko lang sa mga kabayan kong Pinoy dito. Ano ang opinion ninyo sa sinabi ng isang member natin dito sa forum? Kasi napa-isip lang ako.
Sa aking palagay ay mayroon syang punto kahit papaano. May mga pinoy naman talaga dito sa forum na hindi gaano kagandahan ang mga content na ipinopost. Pero hindi naman lamang iyon mga Pinoy, meron ding taga ibang bayan na umaabuso sa mga campaigns dito sa bitcointalk.
Doon naman sa maghanap ng "real job", pinatutukuyan nya doong yung nga pinoy na umaabuso sa campaigns dito. Ang masasabi ko pa ay maari namang maituring na "real job" ang pagsali sa iba't ibang campaign dito sa forum. Hindi porket sa forum ang nasalihan hindi na ito totoong trabaho. Trabaho parin ito, ang pinagkaiba lang ay nagtatrabaho ka online para magbahagi ng opinyon at kaalaman na tutugma sa hinahanap sa mga campaigns.
