Ito yung mga kadalasang sagot, sa case ko:
1. "Ayaw ko, nakakalito gamitin okay na yung cash pinapakomplikado lang yung pagbabayad"
2. "Scam yan, tignan mo sa facebook"
3. "Hindi naman lahat ng oras may net ako sayang lang"
Hindi naman tayo magkamag-anak kabayan, pero ganyang-ganyan yung sinabi ko sa kaibigan ko noong iniintroduce nya sa akin ang Bitcoin, lalong lalo na yung pangatlo. Sa kalagayan ko kasi, hindi ako nakatira sa lugar na malakas ang signal. Pero ngayon, bumili na ako ng pocket wifi para kahit papano eh nakakapagparticipate ako dito sa forum.
Anyway, sa palagay ko, hindi naman sa "hindi tinatangkilik" ng Pilipinas ang cryptocurrency. Isa pa, mas okay sigurong gamitin ang katagang "mga Pilipino" rather than the name of our country which is "Pilipinas". Dahil ang ating bansa naman ay mayroong regulation ukol sa ganitong bagay. Kung "Pilipinas" ang hindi tumatangkilik, marahil ay hindi tayo makakapagcash-out ng mga kinita natin dito sa forum, diba?
Sa kabilang banda, kung ang mga "Pilipino" ang pag-uusapan, ang hindi pagtangkilik ay dulot marahil ng ilang bagay. Una na ang kakulangan sa kaalaman. Aminin na natin na karamihan sa atin ay galing din sa ganoong sitwasyon. Pero nang makita natin ang potential ng crypto at ang mga benepisyong dulot nito, unti-unti tayong nahikayat at nagpatuloy na sa paggamit nito.
Upang "tangkilikin" ng mga Pilipino ang crypto, kailangan lamang nila ng wastong kaalaman. Ngunit huwag nating pakaasahan na maga-adapt sila ng biglaan. Hinay-hinay lang. Andito naman tayo upang gabayan ang mga kababayan natin na gustong matuto. Ika nga, "one step at a time but always ahead."