Post
Topic
Board Pilipinas
[DISCUSSION] Usapang Cash Out 2020
by
cml2019
on 20/05/2020, 03:48:23 UTC
Batid ko namang bawat isa sa atin dito ay may kanya-kanyang karanasan, pamamaraan at diskarte para kumita sa pamamagitan ng cryptocurrency. Sa thread na ito ay nais ko lamang pag-usapan natin kung paano ang ginagawa ninyong pag cash-out ng inyong crypto earnings. Isali narin natin ang current situation in regards with the pandemic kasi even if we like it or not this already has an impact to the whole economy and we could expect that this is the new normal.

In my own experience, I am using Remittance Centers para makapag-withdraw thru coins.ph. Ang flaws nito ay mataas na transaction fee, madalas na kulang ang pera kung saan ako nag-wiwithdraw, at limitado ang pwedeng i-withdraw, mataas din ang level ng security kapag malaking halaga ang i-wiwithdraw.

Purpose: Para malaman ang iba't-ibang paraan para ma-convert ang crypto sa fiat sa pinakamabisang paraan.

Guide
  • Trading Platform- Anong platform ang iyong ginamit para sa palitan ng crypto papuntang fiat o vice versa. Ex. coins.ph, Abra
  • Cash Out Platform- Anong platform ang iyong ginamit upang makuha ang iyong pera. Ex. Remittance Center o Bangko.
  • Fees- Kung magkano ang fee na iyong nagastos at kung may epekto ba ito sa iyong karanasan.
  • Customer Service Support- Kung gaano kabilis, kahusay at kung paano sila humawak ng mga katanungan at gumawa ng solusyon sa mga aberya na iyong naranasan.
  • Accessibility- Kung reliable ba sila bilang isang uri ng Cash Out Platform to consider na maraming saradong negosyo ngayon.
  • Mga Posibleng Dapat Iwasan- Mga bagay na hindi dapat gawin kung ayaw mong magkaroon ng aberya sa iyong transaksyon.
  • Mga Posibleng Diskarte- Mga tips and tricks para makamura o mas mapabilis ang transakyon na gagawin.

Liquidity. Sa panahon ngayon, mas lubos nating kailangan ng pera upang magamit sa ating pang araw-araw na kailangan at para makapaghanda sa mga susunod pang hindi inaasahan pangyayari. Ang pagbahagi ng iyong karanasan ay labis na makakatulong sa pagbigay ng karagdagang kaalaman para magamit narin ng kapwa forum member.