Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bakit hindi tinatangkilik ng Pilipinas ang Cryptocurrency
by
Hakdog20
on 20/05/2020, 09:13:50 UTC
Let's take the case sa mga kamaganak natin. Try natin tanungin o hikayatin na gumamit ng bitcoin o kahit anung cryptocurrency yung mga kamaganak natin.

Ito yung mga kadalasang sagot, sa case ko:

1. "Ayaw ko, nakakalito gamitin okay na yung cash pinapakomplikado lang yung pagbabayad"
2. "Scam yan, tignan mo sa facebook"
3. "Hindi naman lahat ng oras may net ako sayang lang"

Di ko alam kung ganyan din yung mga sagot sa case nyo kung tatanungin nyo sila, pero madalas na nag sasabi nyan sakin ay yung mga may edad na, at hindi na open yung mindset nila para iadopt yung technology natin.

Yung iba naman may kabataan pa kaya curious malaman kung pano gumagana yung sistema.

Sa totoo lang. Ganyan din sinasabi nila sa akin sa tuwing nagtatanong sila kung paano ito gumagana.
Pero nagagawan naman ito ng paraan. Tamang salestalk lang sa kanila kaya ayun, narerecruit ko sila na gumamit. Nakadepende din kasi sa tiwala ng ating kamaganak kung maniniwala sila sa atin o hindi.