Well said pero may mga puntos sa mga sinabi mo na nasa gray area ng sinasabing plagiarism. Tulad nito..
Kahit na may binago ka sa detalye ng post, as long as andun yung thought ng gumawa. It can be also a subject to plagiarism
Maari kasing magkaroon ng parehong pananaw ang dalawang writer kaya hindi maiiwasan na maaring maging magkapareho ang thought ng kanilang salaysay.
Kapag kinuha mo ang idea mula sa ibang forum members ng walang pahintulot o citing ng link/contributor as reference, it can lead to plagiarism
Tulad ng sinabi ko maaring magkapareho ang dalawang idea pero hindi ibig sabihin nito ay plagiarized content na ang sinabi ng nahuling nagpost dahil maaaring magkaiba naman ang construction at mga salitang ginamit kahit na magkapareho ng idea.
Kapag ang isang post ay may statistics/surveys pero hindi nagbanggit ng anumang reference ang user.
Hindi masasabing plagiarized ang content ng isang post kung nagsabi ito ng statistics na walang reference bagkus ang makiquestion dito ay ang credibility ng nasabing post.
Meron mang mga puntos na masasabing nasa gray area o kahinahinala para akusahang plagiarism ang isang post dahil nga sa pagkakaiba ng mga pagkalimbag at pagkabuo ng artikulo kahit na may mga pagkakapareho ng idea at punto ang dalawang magkaibang article.
Gayun pa man isang malaking bagay ang pagbibigay ng kredito sa mga original author kung gagamit man tayo ng reference para maiwasan ang plagiarism.
Karagdagan, ang pagsasalin ng isang foreign article sa lokal na salita ng walang paalam ay masasabi ring plagiarism dahil hindi binigyan ng original author ang nagsalin ng pahintulot kahit na ito ay may reference at full credit sa original author lalo na kung ito ay gagamitin para pagkakitaan.