Post
Topic
Board Pamilihan
Re: Coins.ph Official Thread
by
chaser15
on 27/05/2020, 17:15:44 UTC
Sabi po kasi sa courier daw po padala hindi po ba yan pweding e email kona lang sa kanila pag tapos na ang documents ko kasi ang hirap pag courier pa ie

Paano ma-eemail ang documents mo? Ipapa-scan mo? Notarized na papel yang isesend mo brother, with signature, kaya via courier. Mahalaga po yan lalo na't sensitive ang case mo.

Sunod na lang tayo sa instruction nila and disagree ako na mahirap magpa-courier ngayon. Sila nga ang may pinaka-aktibong serbisyo ngayon simula pa nung nag-ECQ. Smiley

May nababasa ako sa facebook na pwede bayaran ang meralco overdue bill basta palitan ang mrn.

Pwede ba yun bayaran yung overdue bills? Gaya ng samin 3 na ang bill kasi hindi ako nakapagbayad mula pa nung march. Ang due date ay sa 30 pa, pwede ko ba ito bayaran sa coins, papasok kaya?

Oo papasok yan 100%. Spokesperson na mismo nagsabi, iyong bill covering from Mar 1 to May 31 ay puwedeng di bayaran agad. So kung gusto mo na bayaran bill mo ng mga months na yan, pasok na pasok yan sa coins.ph and di sya considered as overdue. Wala rin namang due date na tinakda doon sa March-April bills.