Mga kabayan! may nakapanood ba ng video dito sa facebook about don sa coins.ph account na unti-unti nauubos yung funds nya I mean kusang nagsesend yung funds into another wallet and nagsesend yung mga funds nya without 2fa. Noong napanood ko ito dali dali kong tinignan ang coins.ph ko dahil may funds pa akong natitira don and safe naman pero nandon pa rin yung takot ko na baka mawala rin ito. Sinabi din mismo ng nagpost na wag magclick ng kung anong-ano link dahil maari nitong makuha ang ating mga impormasyon and sa tingin ko parang nag log in sya sa isang phishing site and binigay nya yung mismong impormasyon sa account sa coins.ph kaya ganon nalang ang nangyari.
Ito yung link ng video sa facebook.
https://www.facebook.com/marvinbelen22/videos/3554983324516973/
Oo napanood ko yan kabayan. Na-share sa mga crypto group na kinabibilangan ko.
Since nasabi ng may-ari na wag mag-click ng ano-ano, dito natin malalaman na majority ng hack cases ay kagagawan ng users mismo. Malamang nag-click yan ng kung saan-saan.
Kung makita niyo dun sa coins.ph group community, nakakalungkot ang daming nagtatanong kung legit iyong mga nakikitang nilang giveaway. Hayzzz. Buti na lang marunong magtanong ang iba pero kahit wala na sanang tanungan obvious naman scam iyon.