Sa mga pangyayari sa kapaligiran dapat ay panahon na para maging Cashless Society ang Pilipinas subalit napipigil ito dahil sa kawalan ng kakayan ng gobyerno na iimplement ang mga kinakailangan para patakbuhin ito.
Una, ang Pilipinas ay medyo nahuhuli pagdating sa International Innovation Index na nasa
pwestong 54th.
Pangalawa, ang internet access ay medyo mahirap lalo na sa mga liblib na lugar. Kahit nga sa metro manila ay may mga lugar na walang signal at kung mayroon man ay sadyang napakahina. Kailangan pang paunlarin ang telecommunication technology at service sa ating bansa. Nasa parteng kulelat tayo pagdating sa internet speed sa
global ranking na 100th at pang 72nd pagdating sa mobile internet speed.
For cashless system, aside sa mga financing institute na nabanggit sa mga naunang reply at ang mga puntos na inilahad ng OP, need pa rin ng internet access para mapagana ito ng maayos. So masasabi nating malaki ang role na gagampanan ng pagkakaroon ng malakas at mabilis na internet connection sa lahat ng parte ng Pilipinas at nakakalungkot isipin na ito ang isa sa malaking problema kung ipapatupad ang cashless society sa ating bansa.