Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Panahon Na Nga Ba Maging "Cashless Society" ang Pilipinas?
by
chaser15
on 02/06/2020, 20:04:40 UTC

Pero in fairness and without looking literally sa stats and information provided ng mga sources na nabanggit, mas lalong umusbong ang online transaction sa mga urban areas kahit sa province. Ibig sabihin, ang adoption at tuloy-tuloy lang at di talagang stuck tayo sa nakaraan.

Parang pangit sabihin na di pa tayo ready sa cashless society kasi ready naman talaga tayo at pruweba dyan ang continous adoption. Marami na ring rural areas ang naabot ng technology at mabilis na internet di gaya dati. Kung di tayo ready, wala sana improvement.

Bigyan niyo lang ng ilan pang mga taon. Iyong mga liblib nga dati, wala talagang internet at mga katabing payment establishment pero ngayon mayroon na. Doon sa amin sa Benguet wala namang internet doon dati or napakahina ng signal pero ngayon ok na dahil sa mga nagtayuang cell sites. Mabilis na rin magpadala at may mga payment centers na rin na malapit. Di lang talaga mabilis ang pag-usad pero may improvement.

Siguro ang di na talaga maaabot nito ay iyong mga lugar na talagang sobrang layo na sa kabihasnan. Given na yan pero what matter here is, majority sa Pinas ay abot na ng cashless payment system.

Hindi man maging cashless society ang Buong pilipinas at least naman sana eh tayong mga crypto users ay magkaron ng advantage.
Sana sa bawat cryptonians na pinoy na nagbabalak mag negosyo ay i consider ang pagtanggap ng Bitcoin or even other cryptocurrencies para magkaron na tayo ng kalayaang gamitin ang ating Cryptos sa mga bagay online or even hindi online hindi katulad now na  lahat ng kakailanganin nating bayaran ay dapat muna tayo mag convert to peso bago maging successful .

Malaya naman nating nagagamit ang crypto natin a.

Di rin kasi ubra sa mga business dito sa atin ang mga direct crypto payment kasi pinaiikot ang capital. Wala silang balak mag-hold ng crypto ng sobrang tagal. Business is business. Kung crypto enthusiast siguro iyong merchant puwede. Kaya mostly makikipag-partner ang merchant sa mga crypto-processor para instant ang conversion.