Mga kabayan! may nakapanood ba ng video dito sa facebook about don sa coins.ph account na unti-unti nauubos yung funds nya I mean kusang nagsesend yung funds into another wallet and nagsesend yung mga funds nya without 2fa. Noong napanood ko ito dali dali kong tinignan ang coins.ph ko dahil may funds pa akong natitira don and safe naman pero nandon pa rin yung takot ko na baka mawala rin ito. Sinabi din mismo ng nagpost na wag magclick ng kung anong-ano link dahil maari nitong makuha ang ating mga impormasyon and sa tingin ko parang nag log in sya sa isang phishing site and binigay nya yung mismong impormasyon sa account sa coins.ph kaya ganon nalang ang nangyari.
Ito yung link ng video sa facebook.
https://www.facebook.com/marvinbelen22/videos/3554983324516973/
Saklap naman nito malaking pera ata nakuha nasa 90k ba? Nasa user den kasi ang pagkakamali diyan ang alam ko matagal ng iniinform ng coinsph na enable ang 2fa para maiwasan ang mga ganitong incident tapos ginawa pa niya nirecord pa imbes na magchange pass agad nalang para naagapan hinintay pa talaga niyang maubos lahat kapag na send na un sa mixer di na mahahabol yon.