Looking at the information above. I think na pipe dream palang talaga ang "Cashless Society", ni hindi pa nga tayo malapit maging "digitalized cash society". Totoong maraming gumagamit ng cryptocurrency dito sa Pilipinas, pero compared sa mga taong tiwala sa cash, walang-wala parin ang mga cryptocurrency users. Isa pa, sobrang bagal, limited, at mahal ng internet dito sa pilipinas na halos mauubos ang mga pera mo sa load palang kaya maraming tao parin ang tiwala sa fiat cash at takot sa digital.
Totoo, if mayroon lang tayong ISP company na pagmamayari ng government, I guess magiging okay ang internet kasi katulad ngayon na may pandemic, hindi maayos ang service nila kasi madalas ang disconnection. So if magiging "cashless society" man tayo, hindi ba't sobrang hassle para sa mga business owners na nag-adapt ng ganitong sistema. And yes, people will still stick to what's traditional, even the 1st/2nd world countries, hindi pa masyadong ma-adapt yung paggamit ng digital money, nasa business side pa rin ang digital money doon.
Even using gcash na nirerecommend gamitin kapag isa kang member ng Makatizen sa Makati City, hirap na nilang gamitin especially mga matatanda na hindi lumaki sa gadget. Based ito sa na-experience sa relatives ko na hindi pa marunong mag-cash out or cash in kahit na madali lang ito ay need pa rin sila gabayan kasi natatakot na baka mawala pa ang pera. So matatagalan pa bago mangyari ang cashless society, posible pa lang ito sa virtual world if magkaroon man in the near future.