Maraming mga tao sa mataas na ranks ng business, at elites ang matagal nang hinahangad ang cashless society tipong sa isang card or chip lang lahat ng pera mo. If we are going down to the motives maraming motibo para ipasa ang cashless transaction tulad ng ease of doing business, no queue, no need to go out, pero meron rin siyang ibang motibo like total control of the labor force or those who earn. Whether good or bad motives, marami parin ang hindi kaya na maafford ang mga basics or needs na kakailanganin para makapag cashless. Wala tayong maayos na infrastracture.
I don't know pero I feel na parang lumalayo ka na sa topic, if you think there is a conspiracy going on kung bakit gusto nila maging "cashless society" ang Pilipinas I think that walang posibiliad iyon na mangyari kasi if they are pushing for a cashless society malamang nandun na tayo sa puntong iyon with them having influence sa gobyerno together with their wealth a cashless society will be possible kung talagang gugustuhin nila ito. Pero if you look at the situation now mga makikita lang natin ngayon is either ads ng mga payment wallets like GCash or PayMaya or Billboards ng mga bangko with their credit cards pero as far as pushing for a cashless society I personally don't feel it sa mga nakikita ko ngayon.
AFAIK wala naman tayong mga batas na nag-babawal sa atin sa pag-gamit o pag-tanggap ng cryptocurrencies. As a matter of fact nga I can consider our country to be a crypto-friendly country dahil na din sa CEZA project as well as how both BSP at SEC natin ay mabilis na nakapag-adjust nung biglang sumikat ang crypto sa bansa. But kung ang sinasabi mo is about naman more businesses accepting cryptocurrencies I believe na walang kapangyarihan ang gobyerno dito maliban nalang mag-introduce sila ng tax-exemption sa VAT or subsidy encouraging producers to accept crypto wala na silang magagawa sa sitwasyon ngayon. Para sakin mass adoption will start if may proper na batas na tayo sa crypto at crypto will be more popular sa bansa natin para ma-attract na din ang mga business owners to accept it as a mode of payment.
Tama kabayan actually wala naman ako sinabing may nagbabawal sating gumamit instead i encourage every pinoy na incase nagbabalak sila mag negosyo eh i consider ang option na pag tanggap ng Cryptocurrency as mode of payments,since madalas naman ng lalo sa mga online businesses na tumanggap ng Gcash or Smart padala,then why not extend accepting bitcoin or those 4 listed cryptocurrency sa ating Coins.ph account para sa mas malawak at maraming pagpipilian,and also dagdag na advertising na din para sa Crypto njg sa ganon ay lumawak ang kaalaman ng mga tao patungkol sa ating minamahal na crypto market.
Well as far as the government pushing the Philippine to be a crypto-friendly country goes ang talagang magagawa nalang nila ngayon is to push for foreign investments at crypto related projects gaya ng ginagawa nila sa CEZA project right now. Pero kung ini-isip mo is about incentivizing payments with crypto or some kind of tax relief para sa mga businesses sa tingin ko medyo malabo mangyari iyon kasi why would they encourage crypto payments kung mababawasan naman yung dadaloy na pera (tax) papunta sakanila? Kaya talaga ang long-term method nalang ang meron tayo and that is being a more modernized country yung tipong makakahabol na tayo sa ibang developed countries when it comes to gadget users, the more digitally we are involve mas posible na dadami ang tatanggap ng crypto payments.