Bilang isang online seller din, hindi ako payag na magkaroon o magbayad ng buwis yung mga nagoonline selling. Ito ay sa kadahilanang
maliit lang naman ang kinikita nila sa pagbebenta tapos magbabayad pa sila ng buwis. Paano na lang ang mga nagbebenta na sobrang liit ng tubo? Paano nila babayaran yung buwis na kanilang kelangang bayaran? Dapat hindi sila yung sinisingil ng ating gobyerno, kundi ang mga POGO na sa tingin natin ay nakakalusot sa pagbabayad. Sila naman ang maraming utang sa ating gobyerno hindi tayong mga simpleng mamamayan lang na naghahanap buhay para masustentuhan ang ating pangangailangan lalo ngayong may epidemyang kumakalat.
Sa pagkakaintindi ko kabayan, ginawa ito ng ating gobyerno para ma-regulate ang umuusbong na online selling business scheme at kung papataw man sila ng buwis ay doon lamang sa nararapat na patawan. Kung ang income mo ay below Php250,000 annually ay exempted ka sa tax kagaya na yan kapag ikaw ay nagtatrabaho sa isang kompanya. Kung maliit lang kinikita mo, huwag kang mag-alala pero darating din ang panahon na lalago yan at yan na ang panahon na ibigay mo naman ang dapat kay Pedro.
Patungkol doon sa POGO, masyadong political yan at puro lang akusa at wala namang ebidensya na ipinapakita ang mga accuser.