Post
Topic
Board Pilipinas
Re: NEW MEMORANDUM OF BIR CIRCULAR NO. 60-2020
by
JanpriX
on 13/06/2020, 14:11:49 UTC
Bilang isang online seller din, hindi ako payag na magkaroon o magbayad ng buwis yung mga nagoonline selling. Ito ay sa kadahilanang
maliit lang naman ang kinikita nila sa pagbebenta tapos magbabayad pa sila ng buwis. Paano na lang ang mga nagbebenta na sobrang liit ng tubo? Paano nila babayaran yung buwis na kanilang kelangang bayaran? Dapat hindi sila yung sinisingil ng ating gobyerno, kundi ang mga POGO na sa tingin natin ay nakakalusot sa pagbabayad. Sila naman ang maraming utang sa ating gobyerno hindi tayong mga simpleng mamamayan lang na naghahanap buhay para masustentuhan ang ating pangangailangan lalo ngayong may epidemyang kumakalat.

Ayon sa research na ginawa ko at sa aking sariling opinyon, ang main purpose ng bagong memorandum na yan from BIR ay para hikayatin ang mga taong nagbebenta online na mag-register sa BIR. Yun yung pinaka-point nila. Gusto lang nilang ma-regulate ang mga bagay-bagay sa online selling business kasi alam naman natin ngayon na boom na boom ito. Sellers being registered to BIR would protect their customers and also the sellers themselves in the long run especially kung magkaron ng problema yung platform/products na binebenta/binibili nila. Huwag kagad sanang isipin ng mga tao na yung memorandum na yan eh para pahirapan pa lalo ang mga tao.

The announcement can be very untimely due to with what's happening right now but I think it is much needed, again, to regulate the online platforms. One article that I find helpful is this one. It's a 5-minute read but very informative.

Code: (ARTICLE)
https://news.mb.com.ph/2020/06/13/dominguez-allays-online-sellers-fears-on-bir-registration/