Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bakit hindi tinatangkilik ng Pilipinas ang Cryptocurrency
by
Bitcoinislife09
on 14/06/2020, 02:09:54 UTC
Sa aking palagay, kaya iilang pinoy lamang ang tumatangkilik ng cryptocurrency dahil laging napapalabas sa telebisyon o sa mga balita na mayroong naggaganap na iscam sa crypto, kaya walang taong gustong sumubok maginvest dito dahil ang tingin nila sa cryptocurrency ay isa lamang scam.
Marami ang mga hindi tumatangkilik na Pilipino sa cryptocurrency dahil sa mga haka haka at mga balita na kanilang naririnig araw araw tungkol dito.
Hindi natin higit masukat kung gaano ang nagiging epekto dito dahil higit na malaki and nagiging epekto kapag bumababa ang presyo nito ito na. Sa tingin ng ibang tao kapag bumaba ang value ng cryptocurrency ito na ay negatibo at hindi na magiging positibo. Kaya naman sila ay pinanghihinaan ng loob at sumusuko kaagad. Ang pagbaba ng value ng cryptocurrency at mga bad news tungkol dito ay nagiging dahilan para tumigil ang mga taong hindi aware sa kalakalan ng crypto.

Ang bawat tao ay may sari-sariling pag-iisp. Depende sa tao kung sila ay makikinig sa bad news. Mayroon rin namang mga taong kahit sila ay nakakarinig ng bad news tungkol sa crypto ay iniisip pa rin nilang hindi ito "scam". Kadalasan ay kanila lamang itong isinasawalang bahala.

Totoo na nangyayari talaga ang mga scam lalo na sa exchanges. Totoo rin na hinahatak nito ang price at dahil dito ay maaaring magkaroon ng mga speculations na higit na makakaapekto sa pag-iisip ng mga may-ari ng crypto.