Follow-up ko lang:
Mayroon talagang email na ganito from coins.ph. 2 days ago, nakareceived ako ng ganyang email galing mismo sa email service ng coins.ph. Napatingin ako sa cashout history ko kasi wala naman akong ginawang BPI withdrawal at baka na-scam ako and the good thing is di nag-proceed iyong BPI withdrawal so napa-email si coins.ph. Pero ok naman on my end.
Yesterday, I've received an email again from the legit coins.ph email service saying na, nagkamali lang daw sila ng email na iyong about sa BPI. Idisregard ko na lang daw. Pati mga kapamilya kong may coins.ph nakareceived nung email about BPI then apology email yesterday.
Ano ba yan, pati sa pagsend ng email nagkamali sila lol. Mukhang may nagaganap. Pero kagandahan din dito, dun sa email nila, walang mga link na magsabing maglogin ka. It's just a noticed email.
Sana maging mapanuri ang ating mga kababayan.
Nakareceived din ako nito, nagulat ako kasi wla naman laman coins.ph account ko.
~snipped~
Parang ngayon lang nangyari na nagkamali sila ng na-send na email sa kanilang mga users, tama ba? Ano kayang maaaring naging dahilan nito? Napapaisip tuloy ng kung ano-ano. Siguro gawa yan ng setup nila ngayon - which is work-from-home and with skeletal workforce.
Paalala lang mga kabayan, wag mag-iwan ng pera (or coins), lalo na yung malaking halaga sa mga kagaya ng Coins.ph. Hindi mo alam ang maaaring mangyari sa kanilang website/wallets sa mga susunod na oras/araw. Mas mabuti na yung laging nag-iingat lalo na sa panahon ngayon.
