Meron na ba sa inyo ritong regular na o nakapag try nang mag bayad ng bills sa Globe Telecom powered by Bayad Center?
Nakikisuyo sana kasi yung pinsan ko kanina, kasi akala niya tumatanggap ako ng bills payment gamit ang bayad center, alam nya rin kasing coins.ph user ako.
Sabi ko, di ko pa na try kaya sinubukan ko lang kanina. Kaso nag error upon making the transaction. Ang hawak niyang account number ay 9 digits kaso dapat either 8 or 10 ang digit account number. So di na lang namin painagpatuloy. Offline daw kasi system at sa iba mahaba ang pila sa mga establishments.
Globe Innove Communications piliin mo, 9 digits ung account number. Kakabayad ko lang last week.
Mabilis ba naman ma credit ang bayad mo sa account mo?
Hindi pa yata ako nakapagbayad using coins.ph sa mga globe plans ko, usually from coins.ph send to money ko to gcash, then doon ako nag babayad, mas updated kasi sila.