Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bitcoin's price, at ang ating mental health.
by
JoMarrah Iarim Dan
on 20/06/2020, 05:03:13 UTC
Obviously alam naman na nating lahat na nag crash ang price ng bitcoin na tipong halos makalahati ang presyo nito. Paalala lang lamang ito na magkano man ang natalo mo sa markets(regardless kung nagbenta ka o hindi), pera lang ito. Ang pera ay pwedeng kitain ulit sa future, whereas nag iisa lang ang buhay natin at hindi na mapapalitan ulit. Kung sobrang laki man ng talo natin, hindi pa ito ang katapusan.

Wala naman sanang suicidal saatin dito dahil sa pagbagsak ng bitcoin price, pero heads up lang. Dahil mukhang maraming nalungkot sa pagbagsak ng price based sa mga nabasa ko sa mga recent threads.


Nakakalungkot naman talaga ang nangyaring pagbagsak ng presyo ng bitcoin. Alam ko para sa ibang kumikita ng bitcoin maliit lang yung nawala sa akin, pero para sa akin malaking tulong na sana iyon. Gayunpaman, hindi naman ako umabot sa puntong gusto ko ng magpakamatay dahil doon. Oo tama pera lang iyon, kikitain ko din pero sa matagal na panahon pa ulit. Hanggang sa ngayon ginagawa pa din ang makakaya ko para kumita ng bitcoin dahil umaasa ako na tataas ulit ang presyo nito.