Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Reasons kung bakit naluluge ang maraming trader sa cryptocurrency market
by
Theb
on 29/06/2020, 18:51:46 UTC
Bakit hindi kasama dito yung mga "trading without knowledge"? Napansin ko kasi wala sa Pie Chart mo yung mga ganitong tao and palagay ko sila talaga yung mga pinaka natatamaan, sila yung mga tao na yung biglang pumutok yung Bitcoin akala nila pag-bili lang nito ay sapat na para kumita. Syempre dapat kung kasama sa 10% yung mga well-educated dapat kasama sa 90% yung mga trading without knowledge about trading. Pwede mo din masabi na pag pinag-samasama yung mga binigay mong example ito yung pinaka katumbas nito na tao dahil sobrang di pa sya prepared bumili and bumenta sa market.

Kahit ano man ang estado sa buhay ay pwede ka sa bitcoin. Kailangan mo lang naman ito pag aralan lalo na sa trading. Ang price ng bitcoin ay pabago bago talaga. Hindi natin masasabi kung bababa ba o tataas ang value nito. Bumababa at tumaas ang value ng bitcoin dahil sa maraming factors. Isa na dito ang nga balita, hanggang sa panahon kasi ngayon marami pa talaga ang hindi naniniwala sa kakayahan ng bitcoin. Kapag masama ang balita na nakakarating sa mga tao ay siguradong bababa ang price nito. Tumaas naman ang value kapag maganda ang credibility nito at marami ang tumatangkilik. With that, one thing is for sure, ito ay ang hindi naman kailangan at kayang pigilan ang pagtaas at pagbaba ng prrsyo ng bitcoin at mga cryptocurrencies.

Ng sinabi ko ang salitang "well-educated" hindi ko tinutuko yung mga taong may pinag-aralan or may pinag-tapusan what I meant about this is yung mga taong handa talaga o may plano sa kanilan trades kasi ito yung mga tao na pwede kumita at makapag minimize ng talo. Of course literally anyone can enter any kind of asset market kahit wala kang pinag-aralan sa eskwelahan may mga ilang tao nga yumaman kahit hindi nakapagtapos sa highschool gamit ang stock market o crypto market ang difference lang dito is kahit hindi sila nakapag-tapos ay natuto naman sila kung paano mag-trade. Wala talaga yan sa estado ng buhay mo pero malaking bagay dito dapat alam mo ang ginagawa mo when it comes to trading.