Looking at the information above. I think na pipe dream palang talaga ang "Cashless Society", ni hindi pa nga tayo malapit maging "digitalized cash society". Totoong maraming gumagamit ng cryptocurrency dito sa Pilipinas, pero compared sa mga taong tiwala sa cash, walang-wala parin ang mga cryptocurrency users. Isa pa, sobrang bagal, limited, at mahal ng internet dito sa pilipinas na halos mauubos ang mga pera mo sa load palang kaya maraming tao parin ang tiwala sa fiat cash at takot sa digital.
Sang-ayon ako sa sinabi mo. Mas marami talagang mga nagtitiwala sa hawak kamay na pera kaysa digitalize cash. Isa pa talaga yung napakamahal , mabagal at mahinang internet saka marami pang mga lugar na hindi makaabot ang mga signal ng mga internet provider sa bansa. Kung ang gobyerno naman natin ay bibigyan pansin ang mga pagkukulang at magtuturo sa mga tao ng kahalagahan at kung paano gumagana ang digitalize cash sa atin baka posible na maging handa ang mga tao . Pero sa panahon ngayon hindi pa talaga handa ang pilipinas para maging cashless society.