Bakit hindi kasama dito yung mga "trading without knowledge"? Napansin ko kasi wala sa Pie Chart mo yung mga ganitong tao and palagay ko sila talaga yung mga pinaka natatamaan, sila yung mga tao na yung biglang pumutok yung Bitcoin akala nila pag-bili lang nito ay sapat na para kumita. Syempre dapat kung kasama sa 10% yung mga well-educated dapat kasama sa 90% yung mga trading without knowledge about trading. Pwede mo din masabi na pag pinag-samasama yung mga binigay mong example ito yung pinaka katumbas nito na tao dahil sobrang di pa sya prepared bumili and bumenta sa market.
Sumasangayon ako diyan, base sa experience ko sa pakikipagusap sa mga kasama ko na nagkri-crypto dito sa area namin, marami sa kanila at mga kasama nila yung tipong excited, may pera pang invest, tapos hihingi ng tip kung ano ang bibilhin at ano ang itratrade. Pero pag may nangyayari nang bear season eh sila rin yung nagpapanic at nagbebenta agad ng mga coins nila na may loss sa part nila. Di na nga kumita, nawalan pa ng pera. Pagkatapos ng experience na yun eh titigil na sa crypto. Madaming ganyan ng mga istorya.