Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 1 from 1 user
Re: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread
by
Metamorphosis20
on 04/07/2020, 16:45:41 UTC
⭐ Merited by nutildah (1)
Kahapon lang mayroon na naman tayong bagong record nang additional case ng coronavirus sa Pilipinas. 1,531 new cases kaya halos lahat ng reported case natin sa bansa ay nasa 40,336 na excluding the backlogs ng DOH. Ilang araw lang ito matapos ang interview kay Harry Roque congratulating Philippines kase na-beat daw natin ang 40,000 confirmed cases na prediction ng UP.

Hindi natin alam kung kailan ba talaga ito matatapos kasi halos araw araw may fresh cases. Hindi rin tama na magsisihan tayo lalo na kung wala talagang choice ang karamihan sa atin kung hindi lumabas ng bahay at maghanapbuhay. Ang mga dahilan siguro kung bakit napakahirap para sa ating kalabanin ang sakit na ito ay ang mga sumusunod:

(1) mahirap na bansa ang Pilipinas - hindi kayang suportahan ng gobyerno ang mga mamamayan nitong mawawalan ng hanapbuhay.

(2) walang konkretong plano kung ano ang mga dapat ipatupad at unahin sa nga ganitong pagkakataon. - mas pinagtuunan pa ng ating mga mambabatas na magpasa ng mga batas na walang kinalaman sa solusyon sa ating kinakaharap na problema.

(3) walang disiplina ang karamihan sa mga kababayan natin. - sa halip na sumunod sa guidelines ng gobyerno mas pinipili pang kondinahin ang mga patakarang pangkaligtasan ng nakakarami. Panahong bawal magtipon tipon, nakukuha pang magpaparty at magrally.

Sana lang talaga sa mga susubon na araw o buwan ay may maaprubahan ng vaccine para kahit papaano gumaan ang ating kalooban at mabawasan ang ating mga isipin parungkol sa Covid 19. Manatili sana taying ligtas lahat.






Source: https://www.usnews.com/news/world/articles/2020-07-03/philippines-reports-1-531-new-coronavirus-cases-largest-single-day-increase