Binili na pala ng US ang lahat ng supply at future supply ng Remdesivir - (isang antiviral medication na gawa ng GiLead Sciences) para masecure na sila ang mauunang magkaroon ng unang gamot na promising ang ang resulta sa mga nagkakasakit ng COVID-19.
Nangangahulugan ito na mahihirapan ang ibang mga bansa na magkaroon nito lalong lalo na ang Pilipinas unless may ibang pharmaceutical company na gagawa ng generic nito at ibebenta ng mas mura. Sa ngayon kasi ang halaga ng limang araw na gamutan gamit ang Remdesivir ay maaring magkahalaga ng $3120.
Responding to a question about the US hoarding the world’s supply of remdesivir, Dr. Mike Ryan, WHO executive director of Health Emergencies Program, expressed concern noting, "Obviously, there are many people around the world who are very sick with this disease and we want to ensure that everybody has access to the necessary lifesaving interventions.”
Ano ang implikasyon nito para sa health security ng ating bansa at ibang mga bansa pa na hindi kayang bumili ng ganito kamahal na gamot ngunit maraming severe case ng Covid-19? Paano na kaya tayo?
Source:
https://www.forbes.com/sites/judystone/2020/07/02/us-buys-world-supply-of-remdesivir-for-coronaviruswhat-does-that-mean-for-public-health-and-our-future/