Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Panahon Na Nga Ba Maging "Cashless Society" ang Pilipinas?
by
Shimmiry
on 05/07/2020, 10:39:52 UTC
Not until we see a considerable improvement sa mga numero na ito I don't expect na merong need i-push ng gobyerno na maging cashless society tayo. Bukod sa ang cash ang pinapaboran sa bansa kasalukukuyan hindi rin tayo technologically inclined lalong lalo na sa mga rural areas ng bansa kaya mahihirapan tayo mag-adjust. Sa ngayon wala na tayong magagawa as an individual hindi natin sila pwedeng i-push sa isang payment method na kahit sila mismo ay ayaw gamitin, this kind of adoption will be heavily dependent towards the modernization of our country. If kaya ng sumabay ng mga Filipino sa ibang lugar in terms of being technologically literate sa tingin ko ito yung tamang panahon na handa na tayo maging cashless society.

Sangayon ako dito, sa kasalukuyang panahon, wala pang kakayahan ang ating bansa para mag implement ng cashless society. Isa marahil sa hindi makakasabay sa ganito kung maiimplementa ito ngayon, ay yung mga tao na nasa lansangan, mga walang sariling tirahan, mga mahihirap at iba pang hindi afford ang internet o kahit gadget. Isa pa, kung bangko nga, napakarami pang Pilipino na walang mga account, pano pa sa cashless society.
Pero kahit na ganon, ramdam ko na unti unting nag aadapt ang ilan sa atin, may mga kaibigan ako na hindi na halos gumagamit ng cash para magbayad, magbenta o bumili, kung san man.