Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread
by
Metamorphosis20
on 05/07/2020, 10:42:42 UTC
As of now, pumalo na sa 44,000+ positive cases ng COVID-19 sa ating bansa. Ipinapakita lang nito na patuloy na nadadagdagan ang bilang kung kaya't hindi maiwasan ng mga tao ang mabahala, dahil alam naman natin na madami pa din ang mga taong hindi sumusunod sa panuntunan ng pamahalaan. At, hanggang ngayon ay wala pa rin lunas para sa virus na ito. Sa tingin ko rin mukhang aabot ng 55,000-60,000 ang positive cases pagtapos ng buwan ng ito pero wag naman sana mangyari. Stay safe pa rin mga kabayan!!!!




Edit: ito na pala yung latest number of positive cases.



Hindi nga malayo na lumobo pa ang case ng coronavirus na ito. Pero kung titignan naten mataas din naman ang percentage ng recoveries na halos nasa 25%. Siguro kung magkakaroon ng mass testing, tataas pa lalo ang bilang ng mga confirmed cases since madami sa atin ang asymptomatic, hindi naten alam na baka positive tayo. Pero kung mag-aundergo tayo ng swab test saka pa lang natin malalaman na positive pala tayo. Nakakalungkot din isipin na nagrerely tayo sa RDT o yung tinatawag na rapid diagnostic test na sa maraming pananaliksik at pag-aaral ay hindi accurate ang results pero dahil mas mura ito, ito lang ang naaafford naten.