Marami pa ang hindi nakaka sakay sa bagong teknolohiya ngayon at malaki din ang bubunuin na trabago upang mae sakatuparan ito, Kung gusto man ng gobyerno na mangyari ag ganitong bagay ay nararapat na magkaroon ng mataas na panahong gugolin para sa information drive tungkol sa cashless society upang madami ang maka sakay at hindi magka aberya ang pagpapatupad nito. Pero sa tingin ko malayo pato dahil marami parin sa mga kababayan natin ang prefer ang physical na pera dahil secure silang gamitin ito.
Tama ka jan , dahil di pa nga halos lahat ng mga pilipino ay nagtitiwala sa ganitong sistema. Sang-ayon ako sa sinabi mo na marami talagang panahon ang dapat ilaan ng gobyerno kung sakaling tatanggapin nila ito isa pa yung sinabi mo na mas tiwala sila sa nahahawakan kaysa online cash.
Marami rin hindi makakaafford sa cashless na sistema dahil alam naman natin na marami parang tao dito sa pilipinas na salat parin sa usaping online dagdag pa nga yung kabagalan ng ating internet na nagpapahirap sa atin lalo pa kaya sa mga kababayan natin na maralita.