Maraming mga tao sa mataas na ranks ng business, at elites ang matagal nang hinahangad ang cashless society tipong sa isang card or chip lang lahat ng pera mo. If we are going down to the motives maraming motibo para ipasa ang cashless transaction tulad ng ease of doing business, no queue, no need to go out, pero meron rin siyang ibang motibo like total control of the labor force or those who earn. Whether good or bad motives, marami parin ang hindi kaya na maafford ang mga basics or needs na kakailanganin para makapag cashless. Wala tayong maayos na infrastracture.
Totoo yan, hindi pa natin kakayanin ang ganito na maging cashless ang bawat transaction lalo na at hindi naman lahat ay may kakayahang sumabay sa bagong teknolohiya sa kasalukuyan. Marahil madali sa karamihan sa atin lalo na yung mga nasa mundo ng crypto o online opportunity pero para sa ordinaryong mamamayan hindi pa nila ito kaya i adopt. Madaling sabihin ngunit hindi ganun kadali gawin, at sa aking opinyon hindi na natin kailangang hangarin na maging cashless ang ating bansa dahil nasanay na tayo sa tradisyunal, maari namang mag exist pareho kung san tayo convenient yun ang gamitin natin.