Walang anuman kabayan. Yung sa student permit ngayon ng drivers license, paalala ko lang merong pagbabago na dyan galing sa LTO at merong training o seminar na kailangan dyan at hindi na ganun kadali ang pagkuha. Dati ang dali dali lang makakuha nyan kahit walang driving seminar tapos na agad isang araw palang. Pero ok lang yan dahil kaya naman yan kung tyagain lang nung kakilala mo na nagtatanong tungkol sa verification. Check mo itong online registration ng LTO.
(
https://wheels.ph/lto-launches-online-portal-for-student-drivers-permit-drivers-license-applications/)
Pero matagal pa yan kasi suspended. Sa August 8 pa yata ang resumed with +15 hours course. Dagdag gastos pa kasi shoulder ng applicants ang gastos sa seminar.
So for me, di na sya recommended ID kung gusto magpa-verify sa coins.ph ng mga student unless obviously kung talagang kukuha ng Driver's License. Pero kung di naman nagmamadali, pwede na tyagain.
Kaya ang pinaka the best way is makigamit na lang muna ng account iyong mga student pa lang or gawan nila ng account ang isa mga household nila na may valid ID. Then pag kaya ng kumuha ng ibang valid ID, asikasuhin unti-unti.
Maiba ako, may mga recently bang gumamit ng coins.pro dito? Kamusta ang cashout? Gaano katagal?