After watching the news today, isa sa napanood ko ang pagdami ng mga online stores sa bansa na hindi registered sa BIR kaya bumaba ang nakukuhang tax ng gobyerno which is kailangan na kailangan natin ngayon para pondohan ang mga kailangan pondohan tulad na nga lamang ng mga ospital ngayon para sa pandemic. Nabasa ko na rin noon ang news about sa taxation para sa mga online stores na inalmahan naman ng karamihan dahil nga yun na lang ang kanilang kabuhayan sa hirap ng sitwasyon ngayon, pero ang pagbaba ng nalilikom na tax ng gobyerno ay isa ring paghihirap sa ating mamamayan. Kaya hindi rin siguro natin masisisi ang gobyerno sa idea nito na lagyan ng tax ang mga internet services like netflix dahil sa kakulangan sa pondo.
Any thoughts about this?