Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Reasons kung bakit naluluge ang maraming trader sa cryptocurrency market
by
Rebisco
on 19/07/2020, 09:10:17 UTC
Para sa katulad kong baguhan sa ganitong larangan dapat talaga ang unang ginagawa ay pag-aralang mabuti kung paano ba ang mga tamang paraan sa trading, kung sa stock man ito o cryptocurrencies. Madaming factor talaga kung paano nagiging profitable ito at gayun din ang pagkalugi. Kaya kung halimbawa at nabasa mo lang o narinig na may pera sa trading, wag agad pumasok dito kapag kulang pa ang kaalaman. Tho sa pagtagal tagal siguro mas marami pa ang matutunan. At palagay ko din dapat ay hindi masyadong impulsive o bawasan ang pagiging impulsive para kapag biglang bagsak o biglang taas ng presyo ay agad agad nagpapanic.
Bukod sa pag-aaral ng mga pasikot-sikot sa trading, dapat isama na din natin dito na mag-accumulate ka ng experience, hindi lang basta may alam, dapat may karanasan ka na kasi kung puro teknikal lang ung alam mo, wala din kasi theoretical lang yung alam pero wala kang application, dapat kang mag accumulate ng experience habang pinag-aaralan ang mga teknikal na aspeto ng trading, maaari kang maka accumulate ng experience sa pamamagitan ng paper trading, ito ay parang simulation ng kung ano talaga ang nangyayari kapag nag tetrade ka, naglipana ang mga ganito sa internet kaya di ka mahihirapang maghanap. Isa rin sa dapat mong matutunan ay ang pagiging pasensiyoso, it takes you a long way.
Importante din yung source ng information an pinag aaralan mo, mamaya aral ka ng aral mali naman pala yung pinagaaralan mo. Madaming trader ang naluluge dahil yung information na nakikita nila online ay hindi applicable sa kanilang strategy. I think dito pumapasok yung mag hanap dapat tayo ng mentor sa trading para mabawasan yung learning curve natin. Pero dapat natin isure that our mentor have a lot of experiences and he is not part or belong to the self proclaimed gurus.