Post
Topic
Board Pilipinas
Re: More online stores, less tax generated
by
carriebee
on 26/07/2020, 22:54:39 UTC
Karamihan naman nag mga nagbebenta online malalaki talaga ang kinikita. Kaya sana ay pumayag sila na malagyan ng tax ang kanilang pagbebenta online. Well, sa totoo lang, wala naman na silang magagawa kung sakaling maisabatas na ito. Hindi naman iyon anti poor, lalo na at malaki ang kinikita nila. At ang mga maliliit ang kita ay hindi naman na papatawan ng buwis, kaya hindi kailangang mabahala ng mga nagbebenta online kung hindi naman ganon kalakihan ang kita. Ang sana lang ay magamit ng maayos at tama ang mga buwis na makokolekta, hindi lang sa mga online sellers pati na rin sa kabuuang pangongolekta ng buwis.
Yung ibang pinoy nagdisagree agad na huwag lagyan ng tax ang mga online seller.  Hindi nila nabasa na ang magbayad lang ng tax eh ung 250k up ang kita annual. Totoo ito mostly malaki ang kita ng online seller talaga kaya nararapat mayroon din silang tax. Alam naman natin malaki maitutulong din nito sa situation na kinakaharap ng bansa natin ngayon lalo na may pandemic.