Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [MEGATHREAD] Pilipinas Coronavirus/COVID-19 Thread
by
serjent05
on 28/07/2020, 09:15:22 UTC

If this still continues -- 2,000 daily confirmed cases. I'm afraid, we will reached 100k mark in no time   Embarrassed, sa tingin ko mga first week of August. Nakakapangamba kasi 'yong isang area dito sa may amin naglockdown ulit dahil sa spike nung mga nag-positive. But then again, 'yong government natin... still have no clear plan para ma-lessen na 'to.  


By this increase ng number of infected talagang nakaka pangamba dahil biglaan ang pag lobo ng mga datos kung nung una ay natuwa sila dahil mali ang prediction na 40k mark right now ay nasa 80k mark na tayo immediately and at this moment nag babalak pa sila na i-resume ang klase kung saan napaka prone nila tila ba inalay nila sa pandemyang ito ang mga kinabukasan sana ng bayan, I hope they will make an action as soon as possible tila ba nakikipag kumpitensiya sa ibang bansa sa paramihan ng infected. Sana naman may good news na for the coming months about dito sa pandemic.

Keep safe everyone.

Sana nga di nila i resume ang klase, hindi naman part ng ekonomiya natin ang mga public schools, yung i resume nila yung mga businesses na kumikita talaga para makatulong kahit papaano, laki ng ng utang natin both local and abroad, kaya need natin ng malaking collection.

Malapit na nating malampasan ang china, nakakabahala nga pero kung titingnan mo ibang bansa, mukhang normal lang itong pang increase.

Base sa data na makikita dito, di pa naman tayo sa top 10, so kaya natin to.
https://coronavirus.jhu.edu/map.html

Mahirap talaga ang kalagayan ng gobyerno natin at lalo tayong malulubog sa utang dahil walang pinagkakakitaan ang gobyerno natin dahil lahat ng businesses eh pinagbebenta para maging pribado at aasa na lang sa tax na lagi namang nadadaya o di kaya ay nakukurakot.

Hindi ko lang lubos maisip bakit pinagpipilitan ng DepEd na ipush ang schooling ng mga bata eh pwede namang idelay iyan dahil di naman siya necessity para magsurvive sa pang-araw araw, dagdag gastos pa sa magulang.  Then wala rin silang malinaw na plano para maiwasan ang physical contacts during the enrollment at hindi rin pulido ang online learning na plan nila.  Dapat ipagpaliban na lang muna nila ito at wag ng bigyan ng problema ang mga magulang ng bata sa mga gastusin sa gadget at load para sa internet.

About the previous lockdown, hilaw naman ang naging paglockdown nila, maraming butas at halos hindi nasusunod ang mga pasocial distancing - social distancing nila kapag bumuhos na ang dami ng tao sa isang lugar.  Then, ung pag shift nila from ECQ to MECQ to GCQ ay marami pa ring butas lalo na ang pagtravel ng tao from one place to another.  Just check nyo ang news, daming stranded na hindi na nasusunod ang social distancing.  Just imagine kung ang isa dun eh positive then nagkahawaan at nakapagtravel dun sa pupuntahan nila, eh di nadala nila yung virus dun sa lugar na dapat ay wala sanang case.

Karamihan sa mga cases sa ibang lugar eh nagmumula sa lugar kung saan mataas ang bilang ng nagpopositibo.  Dapat talaga ang pagtravel from one point to another point ang binabantayan nila ng husto, at ginagawan ng tamang programa para maisolate ang mga lugar na may mataas na cases ng Covid 19 at masiguradong hindi carrier ang bibiyahe sa kani-kanilang probinsya.