Dapat lang talaga gumawa na ng aksyon ang ating gobyerno, kase super daming scammer at maraming pinoy ang nabibiktima. Nakakainis lang kase sa iba na alam naman nilang scam yung pinasok nila at may advisory na si SEC ay patuloy paren sila sa pagiinvite at pangloloko.
Dapat may simple way den talaga para ireklamo itong mga scammers na ito, at kung pwede lang den maging anonymous kapag nireklamo sila for sure marami na akong friend na may kaso ngayon dahil sa pagiging scammer or pag sali sa mga ponzi scheme investment.
Parang wala naman ginagawa si SEC sa mga ponzi investment puro notice to public nalang wala inutil den sila pagdating sa mga online websites kagaya ng Forsage na maraming naloko yung iba kumita tlaga pero yung iba iwan ko kung kumikita nga sa Ponzi na to halimbawa nalang itong nakita ko sa YT (
https://www.youtube.com/watch?v=bJyn4yaj5o8) milyones kinita pero pano yung mga baguhan diyan, dapat matigil na tong mga PONZI na ito.
Good thing pa rin naman yung mga advisory ng SEC, sadyang yung mga tao lang talaga ang hindi marunong mag research muna o alamin ang isang bagay kung totoo ba or scam bago sila maniwala. Kasi yung mga taong agad agad naniniwala, sila din ang nabibiktima sa mga ganitong bagay. Although may kakulangan pa rin ang SEC dahil talagang talamak parin ang mga scammer at hindi sila natatakot, nasa mga kapwa Pilipino rin natin yan, bakit mabilis sila magtiwala at magpadala sa mga unauthorized investment schemes.
Marami kasing mga kababayan natin ang gusto ng mabilis na kitaan kaya ang daming naloloko dito sa bansa natin, katulad na lamang ng ngyari sa aking kapatid, daily profit ang pinakita sa kanya at sa umpisa kumita naman sya pero kinalaunan ay naglaho na lamang itong parang bula at kung ano ano na ang idinadahilan ng management.