Sigurado yan kasi doon din naman tayo papunta at meron naman na tayong mga digital payments. Sa coins.ph, paymaya, gcash at iba pang mga digital wallets na pwede nating gamitin pambayad at accepted sa mga malls at iba pang mga tindahan na tumatangkilik ng mga payment methods na yun. Ang pagkakaalala ko sa Brazil, isa sila sa mga pinaka-una na gagamit ng Whatsapp pay na gawa ng Facebook. Pero yung latest na nabasa ko ay sinuspend ng BCB kaya baka may relasyon itong balita doon sa suspension.
Kung sa mga digital payments marami na talaga dito sa atin ,ang kakaiba lang sa kanila ay gusto ata nilang gumawa ng digital currency na gagamitin sa digital payments.
Sila pala ang naunang gumamit ng whatsapp pay , buti na lang at nabanggit mo sa akin yan dagdag info to para sa akin. Dun naman sa pagsuspend ng BCB hindi lang natin alam baka may kaugnayan pero maghintay na lang tayo. Ako naman nangangalap at nagbabahagi lang ng mga balita tungkol sa cryptocurrency.