<...>
Sa atin kaya , tangkilikin din kaya ng bangko sentral ang ganitong sistema lalo na't panahon ng pandemya? At kung sakaling mangyari man , siguradong may mga buwis na naman silang maipapataw.
Ito ang isang nakakalungkot na mangyayari kung sakali mang papatawan nila ito ng buwis. Kasi sa transaction fee pa lang kapag magbabayad tayo ng mga bilihin eh napakalaking bawas na agad sa ating pera. Wala ng matitira o hindi na ito tatangkilin ng mga pinoy kung ganun rin lang ang kalalabasan. Kasi imbes na tayo ay makatipid, mas lalo pa tayong mapapamahal.
At isa pa, napakarami pa rin ang dapat isaalang-alang ng Gobyerno bago ito tangkilin dahil napakatagal ng confirmation bawat transaction na ating gagawin, kaya ito ay magiging hassle lamang sa pamimili.
Pero ang paggamit ng PHP sa mga online wallet tulad ng coins.ph, gcash, paymaya ay di hamak na mas magandang gamitin kesa bitcoin.