Pwede naman kung magiging matagumpay ang sistema ng Brazil sa pagpaptupad nito ang kailangan lang natin ay yung may paggagayahan tayo ng sytema na epektibo para maipatupad ng epektibo rin,
Kaya nga , importante talaga na meron paggagayahan na magaling sa ganitong sistema , ang mahirap lang sa bansa natin ay kurapsyon kaya walang epektibong sistema ang nangyayari.
Why not make our own system? Sa ganitong paraan baka yumaman pa tayo kase once na makaimbento tayo ng effective and efficient system pwede natin ibenta ito sa ibang bansa and for sure malaking revenue iyon para sa atin. Kaya kaya natin gumawa ng ganito? ano sa tingin nyo?
hindi ko sinasabi na gaya gaya tayo pero kung may sistema na in place na mas makakatipid tayo at mas mapapadali ang implementasyon.
Karamihan naman sa mga ganitong sistema ay gayahan , halos lahat naman ay kumukuha ng basehan para maging maganda rin ang sistema na gagawin o ipapatupad. Kung sakali man gawin ito sa atin baka ito na rin ay magiging maayos dahil ang gobyerno naman natin ay medyo matino , para sa akin.
Nakakalungkot lang dahil parang lagi tayo ang nag aantay ng mga ganito, hindi ko pa nakitang inantay ang Pilipinas na manguna sa mga ganito e mukang kaya naman natin makipagsabayan sa mga foreign country.