Post
Topic
Board Pilipinas
Re: The World Is Finally Seeing the Value of Blockchain Technology
by
Baofeng
on 13/09/2020, 22:53:47 UTC
Lahat ng company na naglalaro o naghahandle ng maraming data ay talagang makikita ang halaga ng blockchain technology. Bakit? kasi transparent ito ang accessible, at usually dito sila tumitingin para gumawa ng model o para ma decide yung saan patutungo ang kumpanya. Ang magiging challenge lang talaga dito ang ang pag poport ng data nila sa legacy systems papuntang blockchain. Siguradong gagastos at gagastos parin sila sa umpisa katulad ng pag aacquire ng bagong server (or pwede naman nilang gamitin ang lumang server pero syempre mas maganda na mag acquire ng bago para mag handle ng lahat ng data na to), then training ng support personnel (technical groups). Ang nagiging problema lang sa tingin ko rin eh kasi nga masyadong buzz word ngayon ang "Blockchain", at halos lahat ng mid to huge company at gustong sumubok. Baka naman kasi ordinaryong centralized server lang naman ang kailangan nila talaga at hindi blokchain. Hindi pa sila gagastos since nakalatag na lahat sa kanila. So dapat talaga mahabang pag aaral din mun sa mga company na gustong gamitin ang technology na ito. Ok rin naman isabay yung talagang mag mimigrate na sila ng legacy systems nila sa bago baka mas mainam na option nga ang blockchain, pero dun sa gusto lang makasibay eh parang hindi tama.