Post
Topic
Board Pilipinas
Merits 1 from 1 user
Re: Misleading headline ng mga media
by
MickLichz
on 24/09/2020, 01:56:22 UTC
⭐ Merited by Ratimov (1)

.
 
 Latest na balita ngayon galing sa GMA ang 500k investment na itinakbo ng isang pekeng trader sa 26 nyang investor, at ang ganitong mga gawain ay paulit-ulit na ginawa at nakakapagtaka na may mga tao paring di nadadala at nagpapasilaw parin sa modus na mabilis na kita o kikita ng walang ginagawa.
 

 Madalas kasi ang mga kababayan natin ay nasisilaw sa "high returns" kaya nakakapaglabas sila ng mga malalaking halaga para mag invest sa mga pekeng trading company. Marami na actually ang nagsulputan dito sa bansa natin about sa mga bitcoin scams, etc. And most of the time nga, misleading ang headlines na nababasa ko. Though kapag napanuod mo naman yong the whole broadcast about that bitcoin news, naalala ko minsan narinig ko na ipinaalala nila na legit ang bitcoin ngunit ginagamit ito ng mga scammer para makapanloko lalo na sa hindi aware kung paano ito nagagamit.
 
 Kung aware lang din sana ang mga kapwa natin Pinoy na kayang kaya naman natin mag trade by ourself ng bitcoin though kailangan lang talaga ng madaming efforts, time para pag aralan ito. Mas maigi kesa magrely sa mga bitcoin trader na nanghihikayat upang mag invest at nagki claim na expert traders kuno pero peke naman.

yan din kasi ang malaking problema minsan, yung nagpapasilaw ang tao na gusto instant money kahit na sabihin natin na possible kang kumita sa unang sali mo dapat alam mo na yung risk nyan na maaring hindi ka na kikita pa. Lalo na sa panahon ngayon na every cents counts pero yung iba gusto na mabilisang pera at di na iniisip bakit ganon kabilis o kalaki ang return. Madalas misleading talga ang mga news kung babase ka lang sa mga headline at di mo babasahin ang content at yun ang ginagawa ng mga media yung laruin ang mga tao.
Kahit sa ibang news na hindi related sa cryptocurrency talagang maraming beses ng mali and headlines na nilalagay which leads to misinterpretation ng balita mismo and hindi ko alam kung napapansin din ito ng mismong naglalagay pero sana naman masolusyunan ito dahil maraming tao ang hindi naman nagbabasa ng buong article o buong balita about sa isang bagay at kung magpapatuloy ito baka hindi lang image ng cryptocurrency ang masira.

about doon sa mga taong nasisilaw sa kikitain, alam naman nating maraming pinoy ang sabik sa instant money or yung invest ka lang tas wala kang gagawin kikita kana, maraming desperadong tao ngayon ang kakagat sa mga ganong scams dahil pati mismo scammers alam nila o kilala nila ang kanilang mga tatargetin kaya sana maeducate ang tao sa ganong kalse ng scam.
Ang isa din kasing problema ay pati and media o maraming tao sa pilipinas ang hindi nakaka alam tungkol sa bitcoin or crypto ang kadalasang nakatatak sakanila ay "Scam" ito or mahirap maintindihan kumbaga stereotyping, kaya mali mali ang naging headline imbis na sa taong gumawa ng kamalian eh ang crypto mismo ang mistulang naging salarin, kaya kailangang mabago ang pagkakaintindi ng karamihan sa konsepto ng crypto.

Sa mga taong mindset ang easy money given nayan aminin natin maraming tao sa pinas ang umaasa sa easy money dahil may pagkatamad o takot mag risk kaya hahanap at hahanap sila ng mapagkakakitaan na madali kahit di nila naiinitndihang mabuti ang papasukin nila at yun din ang dapat mawala sa mindset ng mga pinoy, kaya kung wala tayo na mismong may mga concern ang mag educate about scam or different way to deceive people and avoid it.