para sa akin napaka importante ang local section na ito lalo na sa mga kapwa ko pilipino at sa mga pilipinong may kakulangan sa pag translate ng salitang english at mas lalo natin dito maunawaan ang pinag uusapan tungkol sa mga topic dito ,hindi lahat ng ay marunong sa english kahit ang mga taga ibang bansa ay nahihirapan din mag translate ng english
Heto talaga ang dahilan kung bakit may local tayo na nahihirapan makipag communicate sa "labas" at parang nagiging spam ang reply nila sa tingin ng iba kaya napakalaking bagay itong local boards natin. Maari kang magtanong at magbigay ng opinion na madali mong ma express ang sarili mo. Although maraming magagaling sa atin na kaya rin naman makipag sabayan sa labas pero iba parin itong sariling atin.
At halos naman na mentioned ni OP ay napag uusapan din naman ng maigi dito sa tin. Pero syempre iba iba ang mga kuro kuro natin pero yan ang nakagandahan, mga diskusyon na marami tayong aral na mapupulot. At maraming magagaling na Pinoy na talagang nag contribute dito sa atin local kaya magandang bumisita dito paminsan minsan at pwede rin naman mag contribute kahit sino.