Wala kasi wala naman manunuod. Halos karamihan ng pinoy na andito, andito lang para kumita.
Pusta ko pa marami paring pinoy dito ang mangmang pagdating sa Bitcoin o Blockchain kahit na ilang years o months na sila dito.
Ganun yata talaga karamihan sa mga pinoy boss. Gusto palaging kumita ng pera sa madaling paraan, pero yung serbisyo nila bulok naman, katulad ng sinabi mo. Napakaraming account dito ng mga pinoy na walang kalidad ang mga post, basta may maipost lang, yung iba copy and paste lang ginagawa, kaya ang ending walang alam kahit gaano na katagal dito sa forum.
Pwede rin gawing example yung mga Telcos dito sa pinas na walang pakialam sa serbisyo nila basta kumita sila palagi ng malaking pera.