Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Reasons kung bakit naluluge ang maraming trader sa cryptocurrency market
by
Kong Hey Pakboy
on 21/10/2020, 16:54:54 UTC
kailangan ng trader ng sipag,pasensya,laging positibo sa kinuhang oportunidad ,at mahabang panahon ng paghihintay ilan lamang yan sa susi upang hindi maluge ang mga trader ,hindi kailangan magmadali sa pagtetrade at kailangan malaman nila kung anong uri ng proyekto o kahalagan ng kanilang itetrade

Maraming pwedeng maging dahilan kung bakit maraming naluluging trader sa cryptocurrency. Pero isa dun sa mga dahilan kung bakit maraming nalulugi dahil sa nagiging greedy tayo minsan, naghahangad ng agarang kita, malaking kita sa mas mabilis na panahon. Maging dito sa cryptocurrency ay higit na kailangan natin nang dobleng tiyaga, sipag at pasensya dahil hindi naman talaga ganon kadaling kumita dito sa cryptocurrency.
Totoo yan kabayan. Kaya maraming naluluging trader kasi palaging gusto nila ay easy money yung iba pa nanloloko para lang kumita sa pinakamadaling paraan ngunit yun ay mali dshil wala naman talagang mabilis na paraan para kumita dahil aminin man natin sa hindi kailangan pa rin nating kumilos para kumita dito. Yung ibang trader naman kaya nalulugi kasi palaging sumasabak sa paglalaro ng sugal kahit na wala na matira basta may maitaya sa sobrang adiksyon. Dapat ay may kontrol din tayo sa ating sarili para hindi mangyare ang mga ganitong bagay sa atin.
Wala naman kasi talagang mabilis o madaling paraan upang kumita ng pera dahil dapat marunong kang dumiskarte sa buhay at magsipag ka lang dun ka lang makakatikim ng malaking kita ng pera. Kahit sa mundo ng cryptocurrency hindi madali kumita ng pera dito dahil utak at sipag kailangan mo din dito. Mabilis talaga ang kita ng mga scammer o taong manloloko dahil ninakaw lamang nila ito sa mga taong may malaking pera na hawak, pero hindi parin ito magandang gawin upang makamit mo ang pangarap mo sa buhay dahil nakakasakit ka din ng buhay ng ibang tao.