Pinaka malabong mangyari, lalo na ang mga pinoy mas prefer nila na may nahahawakan silang pera, mismong pulubi nga bigyan mo ng random card at pera , yun pandin pipiliin. Kahit pa sabihin natin na mataas ang value hanggat bumabase ito sa fiat useless pa din.
Asset lang talaga ang crypto wala ng iba. Kung baga parang lupa, magandang investment lang yun nga lang pagdating sa price eh hindi matutukoy unlike sa lupa sure na tataas.
Agree, not to mention na hindi lang naman physical fiat ang pwedeng magamit ng mga kababayan natin, pwede na ding digital kaya ang pag transition sa isang cryptocurrency ay malabo talaga. Unless may nangyaring hyperinflation na sobrang makakasira ng ekonomiya ng bansa, malabong mapapalitan ng cryptocurrency ang peso. Sabi ko nga, mag co co-exist silang pareho sa iisang environment.
Hindi naman nya tinatanong kung may chance ba mangyari ito kasi malinaw naman sa tanong ni OP kung “pano” kung nangyari ito or in english “what if”. Sa mga ganitong klaseng tanong dapat kino-consider ninyo yung possibility pag ganito yung nangyari and i-base nyo yung sagot niyo tungkol dun. Tama kayo na medyo malabo ito mangyari pero dapat sagutin niyo din ng tama yung situational question ng OP katulad ng ginawa ko sa sagot ko.
Pero ang hirap pa din kasi kung iisipin mong mabuti na magkaroon tayo ng sariling cryptocurreny with the same value pa sa btc.
Una, hindi maganda ang impression dito ng mga tao tungkol sa bagay na yun dahil kadalasan yun ang ginagamit mga ng scammers dito. At alam naman natin na marami din silang nabiktima.
Pangalawa, ano ang magiging use-case nito. Sino-sino ba ang makikinabang dito. Alam naman natin na marami pa sa mga kababayan natin ang di bukas ang isip tungkol sa crypto.
At huli, mapapanatili ba nito ang value nya. Hindi ba ito magiging katulad ng ibang crypto na pagkatapos ng hype unti-unti bumaba ang presyo nito.