Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bitcoin Code Scam - Sinira naman nila yung imahe ni Bitcoin sa Pinas!!!!
by
k@suy
on 30/10/2020, 18:41:21 UTC
yung mga ganitong panloloko thru social media sites, dapat siguro gumawa ng action ang mga social media sites mismo.  kung ang fb ang mag take down ng mga ganung ads, maiiwasan na ang patuloy na panloloko.

Knowing na mostly automated ang fraud detection ng Facebook, mangyayari at mangyayari talaga ung may mga lumulusot na kalokohan. Mostly kailangan pa ng manual checking ng Facebook employees ung mga kalokohan na post bago mabura; and obviously it will take time knowing na sobrang laki ng Facebook. Just make sure to spend the few seconds to report.

For sure meron silang detection, ang siste itong magaling na mga kriminal na to eh itinatago ang tunay na intensyon sa umpisa kaya kahit anong galing ng algo ng Facebook hindi basta basta madedetect at malamang maraming lumulusot. And unless i report natin to, hindi ito tatanggalin nila. Kung gusto nating malinis ang crypto space, tulong tulong na lang talaga tayo mag mag report ng mga ganitong scam hindi lang sa Facebook pati na rin sa iba't ibang social media sites. Isipin na lang natin na parte tayo ng solusyon at hindi ng problema, at tayo at nakakatulong. And yes, sandali lang naman hindi aabot ng ilang minuto ang pag rereport na to.
Naglipana sa facebook ang mga taong nanghihikayat na maginvest at magjoin sa crypto world pero ni isa sa mga yon di ko pa natry kasi natatakot ako na mascam. Meron kasing pili na totoo at meron ding literal na peke. Ang gagawin kasi ng mga scammer kukunin maigi loob mo. Sa una legit yung pagkita mo then habang tumatagal tskaa ka nila uutakan at lolokohin. Sobrang nakakadala lang minsan na rin ako naloko pero sa ibang camp and ayoko na maulit pa kaya doble ingat ako.