Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Panahon Na Nga Ba Maging "Cashless Society" ang Pilipinas?
by
Janation
on 06/11/2020, 09:48:09 UTC
This explain my thread, and siguro nga ay di pa napapanahon para sa cashless society since marami paren talaga ang walang sapat na kaalaman tungkol dito. Maybe in the next 5 years mas maaachieve naten ang pagiging cash less society since patuloy na naggrogrow ang teknolohiya at dapat lang natin itong pagtuunan ng pansin.

Hindi lang ito dahil sa pagiging illiterate ng tao pagdating sa technology.

Lumaki ako sa isang probinsiya na kung saan ay sanay kami sa normal na pamumuhay. Maraming magsasaka at nakatira kami sa baranggay kung saan ay napapalibutan kami ng mga bundok. Ang internet ay parang isa sa mga bagay na hindi nakasanayan sa aming lugar. Ang gusto kong sabihin, hindi pa din handa ang bansa natin sa ganitong sistema.

Siguro sa ibang lugar kayang kaya na ito iimplement pero paano naman sa mga lugar tulad ng kinalkihan ko na mahirap ang signal, na konteng ulan lang nawawala na kaagad. Kung saan unstable and internet and supply ng kuryente. Napakarami pa talagang rason para natin masabi na hindi pa handa ang bansa natin sa ganitong sistema. Sa tingin ko, kulang ang limang taon para sa paghahanda na ito.