Post
Topic
Board Altcoins (Pilipinas)
Re: CHRISTIAN ALBERT GAZA a.k.a "Xian Gaza" Introduce his own coin
by
tukagero
on 16/11/2020, 07:26:11 UTC

Same din saken kahit ako hindi ako tiwawla sa mga pangako niya, pero interesting ang project niya tignan nalang natin kung anong kakalabasan ng coin niya.
So far mukang okey naman ang takbo ng Xian Coin sa market, sana lang hindi biglang maglaho itong si Xian at biglangn iwanan ang mga investors kung meron man naginvest. Mahirap na rin medjo sketchy din ang mga post niya sa Facebook na mukang dun lang din siya nagpopromote ng project niya. Nagpapakita din siya ng mga naginvest daw na mga chinese sa coins niya pero mukang sus talaga dahil maaaring siya lang din ang bumili nun at niloloko lang ang mga tao.
Saang exchange naroon coin niya? hindi ko alam na meron na pala, or you mean okay ang takbo ng presale nila? medyo para sa akin kasi ang laki na nga ng supply niya ang taas pa ng price kada coin parang medyo mahirap i maintain ng price nun sa market pero malay natin di ba ? pero gaya nga ng sabi nila, Oo nakilala si xian as scammer pero sana lang this time tigilan niya at wag siyang tatakbo, kasi kung hindi, lalo masisira name ng crypto sa kanya.
Wala pa naman sa market nagsearch ako sa google about this token next year pa daw pwede itrade itong XNC sa halagang 60 petot haha ICO price pala niya is 40 petot pero kung titingnan niyo sa page niya mukhang marami na naman maloloko nito maraming nagkakainteres yung iba sa December na daw bibili kasi galing sa 13 month pay ung pera grabe risky naman yan bka yung pera nila itakbo lang ni Xian.
source fb page with 24k followers  : https://www.facebook.com/XianCoinBank

Kahit ako nung nalaman ko na 40php ang ICO price ay sus na talaga, and mukang ang Facebook page lang niya ang pinakapromoter ng coin niya.

Nasa 2,813 holders din ang coins niya ayon sa Etherscan.io pero mukang sus ung mga malalaking transaction pwede rin kasing lang din yon dahil ang mga investors niya ay mga pinoy lang dahil wala naman masyadong foreiner akong nakikita na nagcocomment sa FB page niya.

Goodluck nalang din sa mga naginvest sana lang lumabas man lang itong token niya sa market, pero mukang lalabas naman ito sa market kaso mukang malabo ang profit.

Un ung mahirap sa dami ng holderd nung coin ni walang nagcocoment para iadvertise ung coin,  baka sa 2813 na holders baka 40 person  lng may ari nung mga wallet. Lalabas yan sa market pero 1 week lng cguro idudump n nung mga holders ung coin.