Just my own view lang and I suggest puwede iconsider na mag-donate din sa mga may big charity organizations like TV stations or basta mga big groups ang mga donation. Or iyong dedicated talaga sa pagdating sa donation.
Malaking tulong ang napakaraming charity organizations, big or small and kudos to their effort. Saludo ako sa kanila, pero kapag kasi sa big organization gaya ng mga nasa TV stations, marami na silang volunteers e na matagal na sa serbisyo at may sapat na silang resources for everything gaya ng transportation at mas madali sila makipagcoordinate sa mga LGU kaya somehow di katagalan ang pamimigay ng mga donasyon. Ganyan din sa mga personalities. Kumbaga marami silang koneksyon.
Nasaksihan ko kasi hirap ng kawang-gawa. May kaibigan ako sa isang tour group na based dito sa Manila and nag-organize sila recently ng funding at donations mula pa nung Typhoon Quinta. Marami naman silang na-raised gawa ng active ang group pero pahirapan ang pagpapadala sa mga nangangailangan. So ang ending, nakipag-coordinate na lang sa mas malaking organization kasi di biro ang gastos kapag sariling sikap. Take note, kapit kamay lang sa kanila ang layo ng Marikina at Rizal sa kanila pero pahirapan pa rin starting from coordination sa LGU so imagine kung sa Cagayan pa nila ipapadala with their own action. Pero kudos ulit, dami sumuporta. Kaya maganda rin ang impluwensya ng mga group na ito tapos let the big organization handle the service.