Para sakin hindi rin ako nagtitiwala at tila tanging mga tagahanga nya lang siguro ang patuloy na maniniwala sa project na ito. At, wala na rin akong nakikita na mga bagong updates tungkol sa project at ang nakita ko lang ngayon ay ang website ng project. Makikita sa website yung lahat ng information about sa coin at kayo na ang tumungin mga kabayan kung may patutunguhan ba talaga ito.
Actually madaming nagcocomment na fans or followers ni Xian na hindi nga maganda yung project ever since the beginning. Kaso pansin at feel ko na dinedelete lang nung moderators ni Xian yung mga comment na yon, oo may mga sinasagot siya sa comments pero yung mga sinasagot niya ng out of context na puro lait kesyo mahirap ganto ganyan. Madami nadin ang nagwarning sa pakulo niyang si Xian, pero gawa nga ng yung ibang pinoy e masyado mapapaniwalain madami padin talagang nagiinvest.