Post
Topic
Board Pilipinas
Re: CAGAYAN NEEDS HELP‼️‼️‼️‼️
by
SoryuMaiden
on 23/11/2020, 08:42:00 UTC
I agree. And as much as possible, huwag sa mga government agencies ibigay ang donations kasi sobrang haba ng proseso ng mga 'yan (baka abutin ng 2021 ang pagdistribute). May mga local non-government organizations (legit) na pwedeng pag-abutan ng donations, and I trust them more than SOME government officials pagdating sa pag-handle ng donations.

Fortunately, tuloy-tuloy naman ang dating ng relief goods at iba pang tulong specifically dito sa lugar namin (I'm from Aparri, Cagayan). May mga isolated areas pa rin dito since ito ang bukana ng Cagayan River. Dito lahat lumalabas ang tubig coming from upstream.

Ako rin, di ako komportable pag sa mga government agencies. Mas mainam pa nga sa GMA, ABS, TV5 or kahit anong TV station. Kahit bias ang mga yan sa pagbabalita kahit papaano mabilis talaga aksyon nila pagdating sa mga donation. Magastos nga pag maliit na organization ang nag fund drive. Lahat ng cost sasaluhin pero malaking tulong kung mas malapit ang pagbibigyan.

Buti naman kabayan maayos ang dating ng donation dyan. Nag tip na rin ako sa isang charity and I think makakarating sa tamang kamay. Nagbigay na rin ako ng mga damit na di ko na nagagamit dahil medyo lumaki na ako pero makakasiguradong ok na ok ang quality at iyong iba few times ko lang nagamit. May mga kamag-anak kami dyan sa Isabela pero safe naman daw sila although malapit sila sa mga binaha. Ingat kayo dyan kabayan at buti nakakapag internet na kayo means ok kahit papaano ang kuryente at signal.

Oo, kabayan. Sa awa ng Diyos, di gaanong naapektuhan ang linya ng kuryente at internet dito sa amin, although sobrang kapal ng putik na iniwan ng baha.

So far, in the past few days, sunod-sunod nga ang sating ng relief goods (mostly rice and noodles). At natutuwa ako na mas mabilis ang aksyon ng local government dito kumpara sa mga nakaraang taon. Last week, magkakasunod ang dating ng helicopters dito na nagbibigay ng mga relief goods.

Personally naman, need ng family ko now ng kaunting pera para mapaayos ang mga nasira sa may baba ng bahay namin. Bahagi kasi ng 4Ps ang parents ko, at hanggang ngayon, wala pa ring balita kung ano ang plano ng department na humahawak sa mga 4Ps dito sa amin.

Makakabangon rin kami 😊  #KayaYanCagayan