This explain my thread, and siguro nga ay di pa napapanahon para sa cashless society since marami paren talaga ang walang sapat na kaalaman tungkol dito. Maybe in the next 5 years mas maaachieve naten ang pagiging cash less society since patuloy na naggrogrow ang teknolohiya at dapat lang natin itong pagtuunan ng pansin.
Sa mga pangyayari sa kapaligiran dapat ay panahon na para maging Cashless Society ang Pilipinas subalit napipigil ito dahil sa kawalan ng kakayan ng gobyerno na iimplement ang mga kinakailangan para patakbuhin ito.
Una, ang Pilipinas ay medyo nahuhuli pagdating sa International Innovation Index na nasa pwestong 54th.
Pangalawa, ang internet access ay medyo mahirap lalo na sa mga liblib na lugar. Kahit nga sa metro manila ay may mga lugar na walang signal at kung mayroon man ay sadyang napakahina. Kailangan pang paunlarin ang telecommunication technology at service sa ating bansa. Nasa parteng kulelat tayo pagdating sa internet speed sa global ranking na 100th at pang 72nd pagdating sa mobile internet speed.